Tangkilikin ang mga tsitsirya na ito nang mag-isa o gamit ang iyong paboritong sawsaw. Ito ay isang mabilis na meryenda at 10 minuto lang ang pagluluto! Subukan ito ngayon kasama ang iyong pamilya.

Mga Sangkap

  • 1 tsp kanela (cinammon)
  • 1/4 tasa ng asukal
  • 5-8 whole wheat tortillas ✅
  • Kunting mantika ng abokado

Mga Direksyon

  1. Painitin muna ang oven sa 350F.
  2. Paghaluin ang kanela at asukal.
  3. Iisprey ang tortilla ng mantika ng abokado.
  4. Gumamit ng brush para ikalat ang manteka sa abokado sa tortilla, pagkatapos ay iwiwisik ang halo ng kanela at asukal sa ibabaw.
  5. Ulitin sa bawat tortilla at isalansan ang mga ito sa ibabaw ng isa't isa.
  6. Gumamit ng pizza cutter para hiwain ang mga tortilla sa mga tatsulok. Inirerekomenda na hiwain ang mga ito sa ikaanim.
  7. Ayusin sa isang layer sa isang cookie sheet na may pergaminong papel.
  8. Maghurno ng 9-11 minuto o hanggang sa maluto ang tortillas. Hayaang lumamig ng 10 min.
  9. Ihain kasama ang Ninja Fruit Salsa at kainan na!

✅ Mga Pagkain na Inaprubahan ng WIC

Ang resipe na ito ay binuo sa pakikipagtulungan sa Michele Keaolani @MicheleKeaolani.

You may also enjoy:

Taro Leaf (Dahon ng Gabi) Quesidilla

Isama ang dahon ng gabi sa pagkain ng iyong pamilya, lampas sa laulau at nilagang dahon ng gabi. Ang mga quesadilla na ito ay mabilis...

Dahon ng Gabi Omellete

Ang mga omelette na ito ay ang pinakamasarap! Ang resipe na ito ay ang perpektong dami ng almusal para sa isang pamilya ng may limang...

Sawsawan ng Dahon ng Gabi

Ang simple at nakakaiba sa spinach artichoke na sawsawan ay palaging isa sa mga paborito! Ito ay isang masustansyang karagdagan, na puno ng aloha sa...