Tagalog

Ang Programa Sa Karagdagang Sustansiya Para Sa Mga Babae (Women), Sanggol (Infants), At Mga Bata (Children) (WIC)

Ang WIC ay nagbibigay ng masustansya na pagkain, edukasyon sa nutrisyon, suporta sa pagpapasuso, at referral sa iba pang serbisyo na makakatulong sa mga buntis na indibidwal, mga bagong ina, sanggol, at mga batang wala pang limang taong gulang. Ang mga ama, lolo at lola, at mga tagapag alaga ay pwedeng mag apply sa WIC para sa mga bata na nilay inaalagaan. Mga pamilyang nagtatrabaho at mga mamamayan na hindi taga US ay maaaring maging karapat dapat din. Kung kailangan mo ng tulong sa iyong badyet sa grocery, maari mong simulan ang paggawa ng application, online.

 

Paano ako matutulungan ng WIC?

Ang layunin ng WIC ay mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga ina at mga bata. It is well known that pregnancy and early childhood are among the most important times for growth and development and WIC is here to help.

Maari kang sumali sa Hawaii WIC kung ikaw ay:

  • Buntis, nagpapasuso, o nanganak sa nakalipas na 6 na buwan, o may anak na wala pang limang taon na gulang, kabilang na rin ang mga single na ama, lolo at lola, at mga tagapangalaga.
  • Nakatira sa Hawaii (kabilang ang mga militar na pamilya, mga imigrante, at mga estudyante na galing sa ibang bansa.
  • Ang kita ng kabahayan ay swak sa mga alituntunin o nakatanggap na ng TANF, SNAP, QUEST o Medicaid.

Ang Programa ng WIC ay tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng:

Buwan-buwan na benepisyo para sa masustansyang mga pagkain

  • Gatas, Keso, Cereal, mga gulay kabilang ang poi, prutas, 100% juice, mga buong butil na produkto kabilang ang bigas, formula, itlog, tofu, pagkain ng bata, at marami pa!

Listahan Ng Pagkain Ng WIC

Pagpapayo tungkol sa pagpapasuso at mga iba pang serbisyo upang suportahan ka

  • Suporta galing sa mga tagapag payo para sa pagpapasuso
  • Pagpapayo sa pagpapasuso ng isang espesyalista sa pagpapasuso
  • Breast Pumps ay available sa mga ina na kailangan nila.
  • Espesyal na pagkain para sa mga ina na nagpapasuso ng 6 na buwan o mas mahaba.

Mga referral sa iba pang mga serbisyo

  • Espesyalista sa paggagatas
  • Pangangalaga ng Bata
  • Medicaid
  • Temporary Assistance to Needy Families (TANF)
  • Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP)/Food Stamps
  • Pagpaplano ng pamilya
  • Pano Magsimula

 

Impormasyon Sa Application

Mag pasa ng Hawaii WIC pre- application sa online at isa sa mga WIC staff ay makikipag ugnayan sa iyo. Maari mong tawagan ang 586-8175 (Oahu) o toll-free sa 1-888-820-6425 (Neighbor Islands) upang humingi ng tulong para sa.

Simulan ang iyong aplikasyon Mga Alituntunin

 

FAQs

Ano ang kailangan kong dalhin sa aking unang appointment? 
  • Kailangan ng documento para Kasiguraduhan ang iyong pagkatao at sinumang bata hanggang 5 taong na gulang. Mga halimbawa ay sertipiko ng kapanganakan, lisensya, school ID card, or healthcare provider record.
  • Halimbawa para sa kasiguraduhan ng address ay documento sa upa or mortgage, utility o cell phone bill, paystub, o sulat galing sa kanlungan.
  • Documento para Katunayan ng kita ay tulad ng paystubs, SNAP o TANF na sulat, Medicaid card, o tax return.

Sa panahon ng iyong unang appointment isang empleyado ng WIC ay tutulong sa iyo sa proseso ng pagiging kwalipikado at tiyaking natutugunan mo ang mga kinakailangan na pamantayan.

Ang iyong kinatawan ay:

  • Magsagawa ng isang health assessment
  • Magbigay ng pagkakataon upang talakayin ang nutrisyon at mga alalahanin sa kalusugan
  • Magbigay ng mga referral sa iba pang mga medikal na serbisyo
  • Magbigay ng buwanang benepisyo at edukasyon na makakatulong sa iyo sa iyong badyet sa pagkain
Paano ko makukuha ang aking benepisyo sa WIC sa aking WIC account? 

Sa panahon ng iyong unang appointment isang empleyado ng WIC ay tutulong sa iyo sa proseso ng pagiging kwalipikado at tiyaking natutugunan mo ang mga kinakailangan na pamantayan.

Kung naaprubahan ka para sa WIC, makakatanggap ka ng

  • Isang eWIC benefit card at ang mga listahan na pagkain na maari mong bilihin.
  • Isang Health and Nutrition Assessment para sa bawat kwalipikadong miyembro ng iyong pamilya.
  • Ang pagpapayo sa nutrisyon ay nakatuon sa iyong mga pangangailangan at alalahanin.
  • Mga Impormasyon tungkol sa pagpapasuso at suporta para sa mga interesado.
  • Mga referral sa ibang programa at serbisyo.
  • Malayang makapag-iskedyul ng mga personal o remote na appointment
Ano ang isang eWIC card? 
Ang isang eWIC card ay tulad ng isang debit card. Ito ay maaari mong gamitin para bumili ng mga pagkain na aprubahan ng WIC. Ang iyong lokal na ahensya ay siyang maglalagay ng mga benepisyo ng WIC sa iyong eWIC account.
Sino ang dapat kong tawagan kung mayroon akong tanong o problema sa aking eWIC card? 
  • Kausapin ang iyong lokal na ahensya
  • Bisitahin ang iyong customer service desk
  • Tawagan ang eWIC Card Customer Service at 1-844-540-3013
  • Bisitahin ang www.WICconnect.com

 

WICShopper Mobile App

Mga tampok sa app:

  • I-scan ang mga pagkain gamit ang Scan Barcode upang makita kung ano ang mga pagkain kasali sa WIC.
  • Tingnan ang listahan ng mga pagkain na kasali sa WIC Foods.
  • Gamitin ang “hindi ko nabili” para sa mga pagkain na hindi pwedeng mabili sa stores.
  • Maghanap ng mga recipe na masarap!
  • Irehistro ang iyong WIC Card at gamitin ang Mybenefits para tignan ang iyong pinakabagong balance.
  • Maghanap ng WIC Office o WIC Store
  • Gamitin ang produce calculator at cereal calculator habang ikaw ay bumibili ng mga pamilihim.

I-download dito para sa Iphone I-download dito para sa Android

Alamin ang iyong mga benepisyo para sa pagkain galing sa WIC

Pinapayagan ka lamang na bumili ng mga pagkain sa iyong partikular na pakete ng WIC. Kahit na scan ang isang pagkain ng “WIC allowed”, ito ay maaaring hindi parte ng iyong mga benepisyo kaya baka hindi ka payagan bumili. Halimbawa, ang delatang isda ay dapat na nakalista sa isang pakete ng pagkain para mabili mo ito sa tindahan. Kailangan mong iparehistro ang iyong WIC card sa iyong app para malaman kung ano ang mga pagkain na kasali at hindi kasali sa benepisyo ng iyong pamilya sa WIC.

Upang i-setup ang iyong eWIC Card:

  • Pumili ng apat na numero na Personal Identification Number (PIN) bago gamitin ang iyong card.
  • Upang piliin ang iyong PIN:
    • Tawagan ang teleponong ito sa 1-888-347-5449
      O
    • Pumunta sa: health.hawaii.gov/wic/eWIC
    • Mula doon ay ididirekta ka sa kung saan maaari mong piliin ang iyong PIN.

Upang i-setup ang iyong WICShopper App sa Telepono:

  • I-install ang “WICShopper” mula sa iyong app store.
  • Piliin ang Hawaii bilang iyong ahensya.
  • Magrehistro gamit ang 16 digit na numero sa iyong eWIC card.
  • I-scan ang mga bar code ng produkto upang malaman kung ang mga pagkain ay inaprubahan ng WIC habang namimili ka.
  • Tingnan ang iyong kasalukuyang mga benepisyo, Listahan ng mga naaprubahan na mga pagkain, mga recipe, at higit pa mula mismo sa app!

 

Listahan Ng Mga Listahan Ng Pagkain Ng WIC Sa Hawaii

DAIRY AND SOY

  • Fat-free and low-fat (1%) na gatas para sa mga kababaihan at mga bata 2 hanggang 5 taon
  • Whole na gatas para sa mga bata 12 hanggang 24 na buwan
  • Keso
  • Kosher milk and cheese
  • Soy milk and tofu
  • Yogurt

PROTINA

  • Itlog
  • Dry beans, split peas o lentil
  • De-latang beans
  • Peanut butter
  • Delatang isda sa mga nagpapasusong ina

BUONG BUTIL

  • Brown Rice / Kanin
  • Tortillas (corn or whole-wheat)
  • Tinapay (buong trigo)
  • Oatmeal
  • Whole-wheat pasta

KATAS/JUICE

  • 100% juice

MGA PRUTAS AT GULAY

  • Sariw at frozen na prutas at gulay
  • Vitamin C-rich 100% juice
  • *Maari mong gamitin ang pera galing sa iyong mga prutas at gulay para sa poi

CEREAL

  • Iron-fortified and low in sugar /asukal
  • Marami ay whole grain and high in fiber
  • Mga pagpipilian gluten free

MGA PAGKAIN AT FORMULA NG SANGGOL

  • Baby cereal
  • Prutas at Gulay para sa Sanggol
  • Karne para sa mga bata na nag sususo
  • Formula*

*Ang WIC ay nakatuon sa pagtulong sa mga ina na maabot ang kanilang mga layunin sa pagpapasuso. Ang pagsisimula o pagtaas ng formula ay maaring ibaba ang suplay ng gatas ng ina (breastmilk). Kung kailangan mo ng tulong para mapanatili ang iyong suplay, tawagan lang ang iyong lokal na WIC na Opisina. Hanapin ang iyong lokal na WIC Breastfeeding Coordinator dito.

 

 

Listahan ng Pagkain ng Hawaiʻi WIC para sa mga Buntis na Babae 

Ang iyong pagkain galing sa WIC:

  • Mababa sa taba at mataas sa hibla/fiber.
  • Magbibigay ng Iba't ibang klase ng sustansya galing sa pagkain.
  • Tumulong sa pag unlad ng pagtaas ng Malusog na timbang at isang malusog na sanggol.

Pakete ng mga Pagkain:

  • Cereal: 36 ounces
  • Buong butil: 1 pound
  • Mga prutas at gulay: $47
  • Juice: 144 oz (3-12 oz frozen o 3-48 oz na lalagyan)
  • Low-fat o fat-free milk: 4.5 gallons
  • Yogurt o low-fat o fat-free milk: 1 quart
  • Keso: 1 pound
  • Itlog: 1 dosena
  • Beans at peanut butter: 1 pound dry o 4 na lata at peanut butter 16-18 oz na naka garapon

Bago ipanganak ang iyong sanggol, makipag-usap sa isang tagapagpayo ng WIC para pumili kung alin sa tatlong pakete ng benepisyo ay para sa iyo at sa iyong anak.

Listahan ng Pagkain ng Hawaiʻi WIC para sa mga Nanay at Sanggol na sumususo 

Ang pakete na ito ay ang pinakamalaki sa lahat at wala kasaling anumang formula. Ang mga ina at kanilang sanggol ay maaaring makakuha ng pakete na ito hanggang sa unang kaarawan ng sanggol.

Makakatanggap ka ng suporta sa pagpapasuso sa buong unang taon ng iyong sanggol. Nirerekomenda ng WIC at ng American Academy of Pediatrics na pakainin mo lamang ang iyong sanggol ng breastmilk sa unang 6 na buwan. Kapag ang iyong sanggol ay umabot sa edad na 6, ipakilala ang mga solidong pagkain at magpatuloy sa pagpapasuso sa loob ng 2 taon o mas matagal pa, ayon sa ninanais.

Pakete ng Pagkain ng Nanay

  • Cereal: 36oz
  • Buong Butil: : 1 lb
  • Prutas at Gulay: $52
  • Juice: 144 oz (3-12 oz frozen o 3-48 oz na lalagyan)
  • Low-fat o fat-free milk: 5 gallons
  • Yogurt o low-fat o fat-free milk: 1 quart
  • Keso: 2 pound
  • Itlog: 2 dosena
  • Beans at peanut butter: 1 pound dry o 4 na lata at peanut butter 16-18 oz na naka garapon
  • Delatang tuna, salmon, sardines, at mackerel: 30oz

Mga ina na nagpapasuso sa maraming sanggol tulad ng mga twins at triples, ay makakatanggap ng karagdagang pagkain.

Pakete ng Pagkain ng Sanggol

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 0-5 buwan:

  • Ang pinakamahusay at tanging mapagkukunan ng pagkain na kailangan ng iyong sanggol sa panahong ito ay ang iyong breastmilk/ gatas ng ina.

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 6-11 na buwan:

  • Infant Cereal: 24oz (8oz o 16oz na lalagyan)
  • Mga prutas at gulay na pagkain ng mga sanggol: 64 containers at 4oz bawat isa
  • Karne para sa sanggol: 31 containers at 2.5 oz bawat isa
Listahan ng Pagkain ng Hawaiʻi WIC para sa mga Nanay at Mga bata na hindi ganap na nagpapasuso 

Ang package na ito ay para sa mga pamilyang nagpapakain ng parehong breastmilk at formula. Naglalaman ito ng mas kaunting pagkain kaysa sa pakete na para sa ganap na nagpapasuso ngunit higit pa sa formula feeding package, at may kasama itong ilang formula. Ang halaga ng formula na maibibigay ay mag-iiba depende sa kung magkano ang kailangan ng iyong anak at ang kanyang edad. Maaaring makuha ng mga ina at sanggol ang pakete na ito hanggang sa unang kaarawan ng sanggol.


Bilang isang ina na kasali sa WIC, makakatanggap ka ng suporta sa pagpapasuso sa buong unang taon ng iyong sanggol.

 

Pakete ng Pagkain ng Nanay

  • Cereal: 36oz
  • Buong Butil: : 1 lb
  • Prutas at Gulay: $52
  • Juice: 144 oz (3-12 oz frozen o 3-48 oz na lalagyan)
  • Low-fat o fat-free milk: 4.5 gallons
  • Yogurt o low-fat o fat-free milk: 1 quart
  • Keso: 2 pound
  • Itlog: 1 dosena
  • Beans at peanut butter: 1 pound dry o 4 na lata at peanut butter 16-18 oz na naka garapon

Pakete ng Pagkain ng Sanggol

Magpasuso ka kapag ikaw at ang iyong sanggol ay magkasama.

Sa unang buwan ng iyong anak:

  • Formula: Maaari kang makakuha ng 1 lata ng 12.4oz ng powder formula. Tanungin ang mga empleyado sa iyong lokal na WIC na opisina.

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 1-3 na buwan:

  • Formula: hanggang 4 na lata ng 12.4 oz (powder*)

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 4-5 na buwan:

  • Formula: hanggang 5 na lata ng 12.4 oz (powder*)

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 6-11 na buwan:

  • Formula: hanggang 4 na lata ng 12.4 oz (powder*)
  • Infant Cereal: 24 oz (8oz o 16 oz na lalagyan)
  • Mga prutas at gulay para sa pagkain ng sanggol: 32 na lalagyan at bawat isa ay 4oz

*Yung dami ng formula ay hindi lahat eksakto at tinatayang lamang

Listahan ng Pagkain ng Hawaiʻi WIC para sa mga Nanay at Mga bata na gumagamit ng formula 

Ang package na ito ay para sa mga pamilyang nagpapakain ng formula at na pagpapasuso o pamilang formula lamang ang ginagamit. Kabilang dito ay mas maraming formula kaysa sa ibang pakete ng pagpapasuso, ngunit hindi lahat ng formula na maaaring kailanganin ng iyong anak. Mga nanay na pumili sa pakate na ito ay makakatanggap ng mga pagkain sa unang 6 na buwan pagkatapos ipanganak ang anak.

Kung pipiliin mo ang package na ito, ang anak mo ay makakatanggap ng mga pagkain na ito sa buong unang taon niya. Makakatanggap ka ng mga pagkain para sa iyong sarili lamang sa unang 6 na buwan. Bilang isang ina sa WIC, makakatanggap ka ng suporta sa pagpapasuso sa buong unang taon ng iyong anak.

Pakete ng Pagkain ng Nanay:

  • Cereal: 36 ounces
  • Prutas at Gulay: $47
  • Juice: 96 oz (2-12 oz frozen o 48 oz na fluid oz)
  • Low-fat o fat-free milk: 3 gallons
  • Yogurt o low-fat o fat-free milk: 1 quart
  • Keso: 2 pound
  • Itlog: 1 dosena
  • Beans at peanut butter: 1 pound dry o 4 na lata at peanut butter 16-18 oz na naka garapon
  • Ang pakete ng formula feeding ay nagbibigay ng mga pagkain na ito sa loob ng anim na buwan pagkatapos siya ipinanganak.
  • Mga nanay na pipili sa full o partially na pakete ng breastfeeding ay makakatanggap ng mas maraming pagkain sa loob ng isang taon.

Pakete ng Pagkain ng Sanggol:

Magpasuso ka kapag ikaw at ang iyong sanggol ay magkasama.

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 0-3 na buwan:

  • Formula: hanggang pero hindi hihigit ng 9 na lata at bawat isa ay 12.4 oz powder*

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 4-5 na buwan:

  • Formula: hanggang pero hindi hihigit ng 10 na lata at bawat isa ay 12.4 oz powder*

Kapag ang iyong sanggol ay may edad na 6-11 na buwan:

  • Formula: hanggang pero hindi hihigit ng 7 na lata at bawat isa ay 12.4 oz (powder)
  • Infant Cereal: 24 oz (8oz o 16 oz na lalagyan)
  • Mga prutas at gulay na pagkain ng mga sanggol: 32 containers at 4oz bawat isa

*Yung dami ng formula ay hindi lahat eksakto at tinatayang lamang

Listahan ng Pagkain ng Hawaiʻi WIC para sa mga bata na may edad na 1-2 na taon 

Ang mga pagkain ng iyong ang galing sa WIC:

  • Mababa sa taba at mataas sa fiber.
  • Magbibigay ng Iba't ibang klase ng sustansya galing sa pagkain.
  • Tumulong sa pag unlad ng pagtaas ng Malusog na timbang

Pakete para sa Pagkain ng isang Bata:

  • Cereal: 36 ounces
  • Buong Butil: 2 lb
  • Prutas at Gulay: $26
  • Juice: 128 oz (2-16 oz frozen o 64 fluid oz)
  • Whole milk: 2.5 gallons
  • Yogurt o whole milk: 1 quart
  • Keso: 1 pound
  • Itlog: 1 dosena
  • Beans: 1 pound dry o 4 na lata
Listahan ng Pagkain ng Hawaiʻi WIC para sa mga Bata na may edad na 2-5 Taon 

Paano ito naiiba sa pakete ng pagkain sa mga batang may edad na 1-2 taong gulang?

  • Ang whole milk o gatas ay napalitan sa low fat (1%) o fat-free milk o gatas.
  • Ang peanut butter at delatang beans ay pwedeng ipalit sa dry beans.

Pakete para sa Pagkain ng isang Bata:

  • Cereal: 36 ounces
  • Buong Butil: : 2 lb
  • Prutas at Gulay: $26
  • Juice: 128 oz (2-16 oz frozen o 64 fluid oz)
  • Low-fat o fat-free milk: 2.5 gallons
  • Yogurt o low-fat o fat-free milk: 1 quart
  • Keso: 1 pound
  • Itlog: 1 dosena
  • Beans at peanut butter: 1 pound dry o 4 na lata at peanut butter 16-18 oz na naka garapon

 

Libreng Nada-Download Na Mga Mapagkukunan

WIC Culture HI Aklat sa Pagluluto WIC Culture HI Aklat na Kukulayan
Pakete ng Pagkain Para sa mga Nanay na Buntis Pakete ng Nanay at Sanggol na 100% Pinasuso sa Ina
Nanay at Sanggol na Kaunti Lang na Pinasuso sa Ina Nanay at Sanggol na Pinasuso sa Itinimplang Gatas
Mga Bata - Pakete ng Pagkain para sa 1 ang taon Mga Bata - Pakete ng Pagkain para sa 2 hanggang 5 ang taon
Polyeto ng WIC Pangkalahatang Impormasyon ng WIC 
Pangkalahatang WIC Flyer (Para sa Tabling at Mga Kaganapan)  Mga Maliit na Sheet Flyer (Promosyonal ng WIC Culture HI)