Ang klasikong pagkain na ito ay madalas na inihahain sa mga baby lū'au, mga party, at araw-araw na pagsalo-salo. Ito ay isang makulay na timpla ng malulutong na gulay at maalat na salmon. Ang ultimate Hawaiian pupu (side dish).

Mga Sangkap

  • 1/2 pound pinaalat na salmon
  • 1 kumpol ng berdeng sibuyas ✅
  • 1 matamis na sibuyas ✅
  • 2 kamatis ✅

*Maaari mong palitan ang inaprubahang WIC na de latang salmon bilang kapalit ng pinaalat na salmon.

Mga Direksyon

  1. Tadtarin na pino ang salmon, berdeng sibuyas, matamis na sibuyas, at kamatis.
  2. Idagdag ang mga sangkap sa isang katamtamang laki na mangkok at pagsamasamahin.
  3. Magdagdag ng ilang kubiko ng yelo sa pinaghalo at ilagay sa repridyeretor upang manatiling malamig. Ang salmon ay maaaring medyo maalat, kaya ang yelo ay makakatulong para hindi gaanong maalat.
  4. Kainan na!

✅ Mga Pagkain na Inaprubahan ng WIC

Ang resipe na ito ay binuo sa pakikipagtulungan sa keepingitrelle.com.

You may also enjoy:

Taro Leaf (Dahon ng Gabi) Quesidilla

Isama ang dahon ng gabi sa pagkain ng iyong pamilya, lampas sa laulau at nilagang dahon ng gabi. Ang mga quesadilla na ito ay mabilis...

Dahon ng Gabi Omellete

Ang mga omelette na ito ay ang pinakamasarap! Ang resipe na ito ay ang perpektong dami ng almusal para sa isang pamilya ng may limang...

Sawsawan ng Dahon ng Gabi

Ang simple at nakakaiba sa spinach artichoke na sawsawan ay palaging isa sa mga paborito! Ito ay isang masustansyang karagdagan, na puno ng aloha sa...